
IBABANG TATSULOK
Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal
Bahagi ng paghahanda sa Noli Me Tangere

Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kanyang nobela ay ang taong 1887
Punong Kawayan

Isang mataas ngunit malambot na puno. Ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahahalagang kagamitan at kasangkapan sa kapanahunan ni Rizal. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan.
Lagda ni Rizal

Mapapansin natin na inilagay ni Rizal ang kanyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kanyang kapanahunan.
Pamalo sa penitensya

Ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
Tanikala

Inilarawan ng tanikala ang kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga kolonyal na pamahalaan.
Latigo ng Alperes

Sumisimbolo sa kalupitan ng mga namamahala ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay nakaranas ng kalupitang ito kung kaya't maaaring isinama niya ito sapagkat hindi niya malilimutan iyon.
Capacete ng guardia sibil

Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino.
Paa ng prayle na labas ang balahibo

Dito pinaramdam ni Rizal kung sino ang mga tunay na nagpalakad sa ating bansa noong panahong iyon. Sila raw ang pinakang naging base sa pagiging kolonyal ng lipunan. Ang balahibo naman ay nagbubunyag ng pagiging malaswa ng pamumuhay ng mga prayle dito sa Pilipinas.